Saturday, June 12, 2010

PAANYAYA - Sali na po kayo!

blogtalasan ng katwiran


BlogTalasan ng Katwiran, narito na't naghahamon
Sa sinumang naambunan ni Balagtas ng bendisyon
Isulit ang nalalaman, suriin ang bawat tanong
Sumalungat, makilaban, makiisa, sumang-ayon.

Magkahawig ng konsepto sa Blogtasan na nauna,
Na ngayon ay BlogTalasan ng Katwiran ang tawag na
Kahit sino, kahit ilan ay pwede nang makibaka
At ang dami ng stanza ay di na rin ididikta.

Gayupaman, para dito'y makasali, makasalo
Kailangan ay mag-log in, dapat munang parehistro
Saka dapat, labing-anim ang pantig sa bawat berso
At may tugmang naaangkop ang katagang nasa dulo.

Ang paggamit ng malayang taludturan ay iwasan
Maging tapat sa minanang porma't anyong tradisyunal
Bihisan ng akmang tunog at sukat ang kaisipan
Likhang tula, may indayog, himig, timyas at kariktan.

Sa paghabi ng katwiran, ituon ang bawat sagot
Sa tanong na tinutugon at sa isyung pinupukpok
Iwasan ang personalan, kung mag-init man ang tuktok,
Manatiling maginoo, magalang at di mapusok.

Tayong lahat kanya-kanya ng sariling paniwala
Ngunit ito'y hindi hadlang sa magandang ninanasa
Layunin ng BlogTalasan ay matuto tayo kapwa
Pulutin ang mabubuti, iwaksi ang masasama.

Kaya tuloy, tuloy kayo - kababayang minamahal
Na makatang mambabasa, panauhin, naligaw lang
Mag-register, pumili ng paksa't mag-post ng katwiran
Ibahagi sa daigdig ang talas ng kaisipan!

Thursday, October 8, 2009

PAKSA #06 - Trahedya ni 'Ondoy'

TANONG:
Malagim na trahedyang bunga ng bagyong 'Ondoy' at iba pang kalamidad sa Filipinas na maaari namang iwasan kung may kaukulang paghahanda, sino ba ang may higit na kapabayaan – mamamayan o pamahalaan?


BASAHIN ANG MGA KATWIRAN AT KOMENTO

Trahedya ni Ondoy


Mag-email ng iyong KATWIRAN o ng iyong KOMENTO tungkol sa paksang ito.

BASAHIN ANG MGA KATWIRAN AT KOMENTO
Magmungkahi ng paksa

Thursday, September 3, 2009

PAKSA #05 - Noynoy for President?

TANONG:
Dapat bang kumandidatong Presidente ng Pilipinas si Benigno "Noynoy" Aquino III sa halalan sa taong 2010?


BASAHIN ANG MGA KATWIRAN AT KOMENTO

Noynoy for President?


Mag-email ng iyong KATWIRAN o ng iyong KOMENTO tungkol sa paksang ito.

BASAHIN ANG MGA KATWIRAN AT KOMENTO
Magmungkahi ng paksa

Friday, August 7, 2009

PAKSA #04 - Paalam, Cory...Paalam, 'Democracy?'

TANONG:
Sa muling pagkagising ng kamalayang makabayan sanhi ng pagpanaw ng dating Pangulong Corazon ‘Cory’ Aquino, ningas-kugon ba lamang ito – o patuloy na mag-aalab sa puso at diwa ng sambayanang Filipino?


BASAHIN ANG MGA KATWIRAN AT KOMENTO

Paalam, Cory...Paalam, Democracy


Mag-email ng iyong KATWIRAN o ng iyong KOMENTO tungkol sa paksang ito.

BASAHIN ANG MGA KATWIRAN AT KOMENTO
Magmungkahi ng paksa

Saturday, April 12, 2008

PAKSA #03 - Pag-ibig at Tampuhan

TANONG:
Sa dalawang nag-iibigan, halimbawang kapwa sila nagkamali, sino ang unang dapat bumati at manuyo upang mawala ang alitan o tampuhan: Lalaki o Babae?


BASAHIN ANG MGA KATWIRAN AT KOMENTO

man and woman - silent treatment


Mag-email ng iyong KATWIRAN o ng iyong KOMENTO tungkol sa paksang ito.

BASAHIN ANG MGA KATWIRAN AT KOMENTO
Magmungkahi ng paksa

Sunday, April 6, 2008

PAKSA #02 - Executive Privilege vs People's Right To Know

TANONG:
Sa kaso ni Neri na tumangging sagutin ang ilang katanungan sa pagdinig ng Senado hinggil sa kontrobersyang ZTE National Broadband Network Deal, alin ba ang nararapat bigyan ng higit na pagpapahalaga: Pribilehiyong Ehekutibo ng Pangulo? o Karapatan ng Mamamayan na Malaman ang Katotohanan?

BASAHIN ANG MGA KATWIRAN AT KOMENTO

Executive Privilege vs People's Right To Know


Mag-email ng iyong KATWIRAN o ng iyong KOMENTO tungkol sa paksang ito.

BASAHIN ANG MGA KATWIRAN AT KOMENTO
Magmungkahi ng paksa

Saturday, March 22, 2008

PAKSA #01 - PGMA Hanggang 2010?

TANONG:
Dapat ba o hindi dapat magpatuloy sa tungkulin bilang Pangulo ng Pilipinas si Ginang Gloria Macapagal-Arroyo hanggang sa taong 2010?

BASAHIN ANG MGA KATWIRAN AT KOMENTO

GMA hanggang 2010?


Mag-email ng iyong KATWIRAN o ng iyong KOMENTO tungkol sa paksang ito.

BASAHIN ANG MGA KATWIRAN AT KOMENTO
Magmungkahi ng paksa